46th anniversary ng Davao Oriental, ipinagdiwang; Mga tumulong sa lalawigan, pinasalamatan

Si Davao Oriental Gov. Corazon Malanyaon sa kanyang mensahe ng pagpapasalamat sa mga sumuporta sa kanila na makabangon sa trahedyang nangyari sa kanilang probinsya noong nakaraan taon. Ang pagpapasalamat ay isinabay sa pagdiriwang ng 46th founding anniversary ng Davao Oriental na ginanap sa Mati nitong Lunes, July 01, 2013. (RITCHIE TONGO / Photoville International)

DAVAO ORIENTAL, Philippines — Kasabay ng pagdiriwang ng ika 46 na anibersaryo ng lalawigan ng davao oriental  ay pormal na ring nanumpa nitong Lunes, July 01, bilang re-elected governor ng lalawigan si Governor Corazon Malanyaon.
 

Kasabay na nanumpa  ng gobernador ay ang kaniyang vice governor na si Mayo Almario, mga board member ng Davao Oriental, mga nagwaging mayor at vice mayor at mga konsehal.

Bago isinagawa ang oathtaking ay pinarangalan muna ng provincial government ang mga huwarang empleyado ng kapitolyo kasama rin ang iba’t-ibang government at non government agencies na  nagbigay ng di matatawarang tulong sa Davao Oriental noong tinamaan ang lalawigan ng Bagyong Pablo.

Ilan sa mga pinarangalan ay ang Eastern Mindanao Command, 10th Infantry Division at mga infantry brigades na nakakasakop sa mga munisipalidad ng Davao Oriental.

Pinasalamatan din ang mga foreign donor. Ilan dito ang UNICEF, UN  World Food Program, United Nations Development Fund at iba pa.

Sa speech ni Governor Malanyaon, muli itong nagpasalamat sa lahat ng sumuporta sa kaniya at sa mga mamamayan na patuloy na nagsisikap makabangon mula sa pinagdaanang kalamidad.

Nangako rin ito ng patuloy na tulong sa lahat ng mga nabiktima ng Bagyong Pablo kasabay ang paghingi pa rin ng patuloy na suporta sa mga sponsor para sa pagbangon ng Davao Oriental.

Daan daang mga residente ng lalawigan ang nakiisa sa pagdiriwang at mahigpit din ang ipinatupad na seguridad sa buong lalawigan. (LOUELL REQUILMAN, UNTV News)

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Copyright © 2017. All Rights Reserved.Powered by Public Information Office